Turning up Aces | Hold the phone [PDF]

Nov 22, 2009 - "Bilog ang mundo," says the gin fiend in the corner store, reeking of liquor and quoting the alcohol comm

60 downloads 17 Views 140KB Size

Recommend Stories


Turning Up the Volume
What you seek is seeking you. Rumi

[PDF] The Center Cannot Hold
Be grateful for whoever comes, because each has been sent as a guide from beyond. Rumi

ACES
Be like the sun for grace and mercy. Be like the night to cover others' faults. Be like running water

[PDF] The Center Cannot Hold
Be who you needed when you were younger. Anonymous

aces
Don’t grieve. Anything you lose comes round in another form. Rumi

ACES Newsletter Issue 39 (PDF)
Courage doesn't always roar. Sometimes courage is the quiet voice at the end of the day saying, "I will

PdF Hold Me Tight
Ask yourself: If I were to give one piece of advice to a newborn child, what would it be? Next

Aircraft of the Aces
The only limits you see are the ones you impose on yourself. Dr. Wayne Dyer

Aces & Eights
Don't be satisfied with stories, how things have gone with others. Unfold your own myth. Rumi

ACES-2017
Where there is ruin, there is hope for a treasure. Rumi

Idea Transcript


Hold the phone NOVEMBER 22, 2009 · 3:27 AM

Turning up Aces “Bilog ang mundo,” says the gin fiend in the corner store, reeking of liquor and quoting the alcohol commercial. I’m inclined to agree. Whatever existential angst I was suffering from a few weeks ago (it’s a birthday allergy or something. Growing old gets me down.) is slowly simmering away under the intense light of karmic goodness pointing my way. Besides the propitious upswing of getting my cobbled-up-at-the-moment comic scripts getting inked by a handful of really talented illustrators, and a promising stint at serialized comics (Lazarus Aloud on the way by Gerilya Komiks!), I’m finally making money, hey! The best, best thing is that I’m not stuck in one boring job. Weekends are press work with the Philippine Collegian. Saturdays are teaching days at this College which I will not name here for the sake of propriety. There’s a job looming in Nueva Ecija come next year, before the election period– all these and I haven’t even gotten my bachelor’s degree.

celebratory drink and happy face

Got a text message last week about the results of the UP Filipino Department’s writing contest, Timpalak Panitik. Nabbed first place for the short story category, first place for the children’s story category, and third place for the essay category. That’s 3 out of the 4 categories in the contest, but I didn’t join the poetry category because I have no romance in my soul. Felt happy about the recognition and the prize money, and then felt slightly like a douche for dominating the competition. Then felt happy again for shaking hands with a National Artist Bienvenido Lumbera and the incomparable Agos sa Disyerto 3 (Edgar Reyes, Efren Abueg, Rogelio Ordonez) during the awarding ceremony. At any rate, I’m posting the essay here because I always thought it worked better as a hypertext, multi-media piece. Too bad we can’t embed videos on paper, huh?

BALITA Lapit, mga kaibigan, at makinig kayo Ako’y may dala-dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako —Balita, Asin (1970) –The APL Song, Black Eyed Peas (2004) –Balita, Gloc9 (2009) Sa kasamaang palad, isinilang ako sa mundo ng mga magulang na wala ni katiting ng musika sa katawan. Hindi ko batid kung paano napagdaanan ng Nanay at Tatay ko ang dekada sitenta nang hindi nahihilig sa musika. Habang lumalaki ako, minsan ko lang narinig humuni ang Tatay. Partida pa, humuhuni lang siya kapag lasing. Ang Nanay naman, puro chorus lang ng mga sikat na kanta ng Beatles at The Carpenters ang kinakanta sa sarili. Naisip ko tuloy na baka inampon lang nila ako, o kaya napulot sa basurahan. Hindi tulad nila, musika ang relihiyon ko. Sabi ng Nanay, noong dinadala pa niya ako sa sinapupunan, nagpapatugtog siya ng classical music sa lumang radyo. Nabasa raw niya sa Reader’s Digest na nakatutulong ang ganitong musika para maging matalino ang anak. Pero kahit noong hindi pa ako ipinapanganak, alam na raw ni Nanay na sadyang rakista ako. Tuwing rock and roll kasi ang tumutugtog sa radyo, sinisipa ko ang tiyan niya. Para raw gusto ko nang lumabas at magwala, nagsa-slam dance sa loob ng bahaybata. Noong lumalaki ako, akala ko tuluyan na akong matutuyot at mamamatay sa bahay na walang musika. Mabuti na lang laging bumibisita sa amin si Tito Ely, ang nag-iisang nakakaintindi sa akin. Kaibigang matalik ni Tatay si Tito Ely, pero hindi sila magkatulad. Hippie si Tito Ely, mahaba ang buhok at laging may dalang gitara kahit saan magpunta. Madalas siyang bumisita sa bahay namin tuwing gabi para makipag-inuman kay Tatay. Gustong-gusto kong makinig sa kanilang usapan. Hindi ko man maintindihan kung ano o sino ang pinagpupulutan nila, ang tanging habol ko ay ang mga kantang sinasahog ni Tito Ely sa mahabang mga gabing iyon. Si Tito Ely ang nagpakilala sa akin sa kay Bob Dylan at Woody Guthrie, The Byrds at Cat Stevens. Nakaupo sa tuhod niya, kunwari kong binabasa ang mga kupas na songhits na dala niya. Sinubukan niya akong turuan tumugtog ng gitara, pero hindi pa abot ng mga daliri ko ang kwerdas. Tinuro na lang niya sa akin kung paano maghead-bang habang naka-peace sign ang mga daliri at tinutugtugan niya ako ng gitara. Pinakilala rin sa akin ni Tito Ely ang mga Pinoy na musikero. Paborito niya si Freddie Aguilar at ang bandang Bagong Lumad. Niregaluhan niya ako noon ng mga cassette tape ng Juan Dela Cruz at Asin. Ang Himig Natin ang naging paborito kong kantang panghele. Isa sa mga unang nakabisado kong kanta ay ang Balita ng Asin. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ang kantang iyon. Marahil, dahil bata pa lang ako noon, ang hinanap ko lang sa kanta ay magandang himig at madaling tandaan na tugma.

Ang lupang pinanggalingan ko’y may bahid ng dugo May mga lorong ‘di makalipad, nasa hawlang ginto –Balita, Asin (1970) Lumipas ang panahon. Ang peace sign na tinuro sa akin ni Tito Ely, naging devil horns. Mas madalas kong itinaas ang ‘rock on’ hand sign nang maging teenager. Napadalas na rin kasi ang pagdalo ko sa mga punk gig. Pansamantala kong ibinaon sa limot ang folk music, ipinagpalit para sa distorted guitars at hiyaw sa mikropono ng mga bokalistang nagtanim ng galit sa kanilang mga ama. Hindi ko alam kung bumibisita pa rin si Tito Ely sa bahay tuwing gabi para makipag-inuman kay Tatay sa panahong iyon. Madalas kasi akong wala na rin sa bahay tuwing gabi, nakikipag-inuman sa mga kaibigan kong luko-luko, punkista ring tulad ko. Laging nagbabago ang musika, nagpapatangay sa agos ng uso. Pero pambihira ang sandali na malaman ng nakikinig na ito –ito sa lahat ng tunog, sa lahat ng ingay o tinig o himig– ito ang musikang kasabay ng pintig ng puso. Ito ang kantang nilikha para sa akin, sumusuot sa loob ng balat, tagos hanggang kaluluwa. Para kay Tito Ely, nalaman niyang folk ang musika niya sa sandaling kinalabit ni Freddie Aguilar ang huling nanginginig na mga nota ng kantang Bayan Ko sa harapan ng daan-daang tao sa isang rally noong dekada sitenta. Sa gitna ng dami ng tao doon, nabatid ni Tito Ely na para sa kanya ang kantang iyon. Para sa akin, naintindihan ko na punk ang tunog ng kaluluwa ko. Isang gabi, sa pusod ng moshpit, pipit sa gitna ng pawisan at mababahong mga tao, habang sinisigawan ng mura ng bokalista sa entablado, naintindihan ko ang ibig sabihin ng salitang ‘simbahan.’ Lugar ng sabay-sabay na pagsamba. Nandoon kaming lahat ng masama. Hindi ko kilala ang karamihan. Lahat kami’y sumasayaw, tumatalon, nagsa-slam dance. Lahat kami’y sumisigaw. Kahit na anong mangyari– mabatuhan man ng bote na puno ng ihi, o magkasakitan dahil sa dahas ng pagsasayaw– mapapatawad ang lahat. Mapapalagpas ang lahat. Ito ang kalayaan, naisip ko. Hindi mahalaga ang isang tao. Sinasaniban ng musika ang lahat. Sabay-sabay kami napapagalaw. Pero hindi dahil nahilig ako sa partikular na genre ng musika, hindi na ako nakinig ng iba. Laging sabay sa uso ang musika, at matagal nang lumipas ang panahon ng punk. Kaya sa mga gig ako nagpupunta, dahil bihirang patugtugin sa radyo ang punk na gusto ko. Pagpatak ng bagong milenyo, nagsimula ang pagdaluhong ng genre na hip hop. Nagulat ako minsan nang marinig muli ang pamilyar na himig ng kantang Balita sa radyo. Noong kabataan ko, sa cassette tape o gitara lang ni Tito Ely naririnig ko ang kantang iyon. Kahit noong bata ako, lipas na ang panahon ng folk. Bakit biglang bumabalik? Bakit kaya nauso muli?

Listen closely y’all, I got a story to tell A version of my ghetto where life felt for real Some would call it hell, but to me it was heaven –The APL song, Black Eyed Peas (2004) Chorus lang pala ng Balita ang ginamit sa kantang narinig ko sa radyo. Ingles ang wika sa mga rap na verse. Nang matapos ang kanta, sabi ng DJ, ‘The Apl song’ ang pamagat nito, at ang sikat na hip hop group ng Amerika na Black Eyed Peas ang kumanta. Pilipino pala ang isang miyembro ng grupong iyon. Apl.de.ap ang ginagamit niyang pangalan kapag tumutugtog kasama ng kanyang Amerikanong mga band mates, pero Allan Pineda Lindo ang tunay niyang pangalan. Lumaki raw siya sa Pampanga at lumipat sa Amerika noong teenager siya. Ngayong kilala na ang Black Eyed Peas sa buong mundo, gusto raw niyang mag-alay ng kanta sa Pilipinas na iniwan niya. Hiniram ni Apl ang chorus ng kantang Balita para magamit sa kanta ng Black Eyed Peas. Sabi niya sa isang interview, lumaki raw siya sa Pilipinas habang nakikinig sa mga himig ng Asin. Paraan daw niya ito ng “paying tribute” sa dakilang bandang Pilipino. Hindi ko masyadong nagustuhan ang kantang ito ng Black Eyed Peas, pero sumikat ito sa radyo at MTV. Ilang linggo ring naluklok sa number one spot ng mga Top Twenty countdown ang kanta ni APL. Nabalitaan ko pang paborito raw ito ng mga Fil-Am na nakatira sa US dahil nasasalamin ng kanta ang kanilang pangungulila sa Pilipinas. Siguro hindi ko nagustuhan ang kanta dahil hindi naman ako nakatira sa US. Hindi ko maramdaman ang nostalgia ni Allan Pineda. Ang balitang ikinukwento niya sa kanta—how would you feel if you had to catch your meal? Build a hut to live and to eat and chill in, having to pump water out of the ground— ay lumang balita na para sa akin. Dagdag pa rito, hindi rin talaga ako nahilig sa hip hop. Noong nakalubog pa ako sa punk subculture, madalas magtalo ang hip hop at rock. Laging nag-aaway ang dalawang subkulturang ito. Sabi ng mga punkista, gaya-gaya raw sa mga Amerikanong negro ang rap. Tila ba nagka-amnesia kami, nakalimutan na hiram din mula sa Inglatera ang istilo namin ng pagsusuot ng Doc Martens at punit na hapit na pantalon. Sabi naman ng mga hip hop at rappers, laos na raw kami. Lipas na raw ang panahon namin. Kung ang punks, ‘no future,’ sila raw ang future. Mababaho raw at hindi naliligo ang mga punkista. Hindi ito ang una at huling beses na napagbintangan akong mabaho at hindi naliligo. Nagsimula na kasi akong pumasok sa unibersidad sa panahong ito. Ang devil horns hand sign na inaangat ko tuwing punk concerts, naging simpleng kamao na lang. Nang makatuntong ako sa kolehiyo, napadalas ang pag-angat ko ng kamao kasabay ng pagmartsa sa lansangan kasama ng mga kaibigan kong hindi naliligo. Hindi ito malaking talon mula sa pagiging punk. Hindi nagbago ang hilig ko sa ingay, sigawan, at sabay-sabay na pagkilos. Pero ngayon, may direksyon na ang ingay na kinahiligan ko. Nabigyan ng kabuluhan ang pagiging pipit sa gitna ng pawisan at mababahong mga katawan. Karatula at kamulatan lang pala ang lamang ng mga aktibista sa mga punk.

May pamilyang kumakain ng kulang sa dalawang beses sa isang araw, minsan wala ngang pang-lugaw. Bakit ganito kababaw? Isang pagkaing nilangaw Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom. Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom Na mayroong mas masahol pa sa hatol ng kamatayan? ‘yan ay ika’y maging mahirap sa sarili mong bayan –Balita, Gloc9 (2009) Kamakailan, natuto akong ma-enganyo sa rap music. Marahil nga tama ang mga nakaaway kong rappers at hip hoppers noon. Marahil nga sila ang future. Hindi ko na matakasan ang musikang rap ngayon. Huling-huli na ako sa balita, pero napakagaling pala ng yumaong mga Amerikanong rapper na sina Tupac at Notorious BIG. Dati kasi, noong panahon pa ng cassette tape at CD, tiyak na wala akong perang pambili ng kung anu-anong musika. Bumibili lang ako ng mga album na tiyak na magugustuhan ko— mga punk at rock and roll. Hulog ng langit ang internet at illegal download websites. Lahat ng uri ng musika mula sa iba’t ibang panig ng daigdig, pwede ko nang i-download at pakinggan ng libre. Dahil sa bagong diskubreng kalayaan na ito, malaya akong sumubok ng musikang hindi ko kilala, di pa natitikman. Kabilang dito ang rap. Walang tono ang rap music. Puro duugs duugs duugs duugs ang walang humpay na tibok ng ritmo na papatungan ng sunod-sunod na linya— parang mabilis na tula na may musika. Sa simula, hindi ko nagustuhan ang rap dahil hindi ko mahabol ang gustong sabihin ng rapper. Pero pagkatapos ng ilang pakikinig, dahandahan kong napasok ang mundong nilalarawan ng mga makabagong makata na ito. Hindi lang tungkol sa ‘bling bling’ at seksi na mga babae ang musikang rap. Sa mga kanta ni Tupac at BIG, naikwento nila ang marahas na buhay ng mahihirap na negro sa mga ghetto ng Amerika. Tumitigil sila sa pag-aaral para magbenta ng droga sa lansangan. Lagi silang may dalang baril sakaling matiyempohan ng parak o kaya karibal na drug dealer. Sa simula, tila dinadakila pa ng rap ang krimen at karahasan. Para rin palang punk ito. Ang akala ng iba, ingay at mura lang ang musikang punk pero nagustuhan ko ito dahil naging salamin ang magulong tunog sa magulong lipunang kinabibilangan ko. Ganoon rin ang sa rap. Hindi ito simpleng paglalarawan ng naghihirap at desperadong lipunan, kundi kwento ng tao at pagiging tao. “I ain’t talking ‘bout profit, I’m talking ‘bout pain. I’m talking ‘bout despair, I’m talking ‘bout shame,” paliwanag nga ng Amerikanong rapper na si Jay-Z sa isa niyang kanta. Dahil nagsimula na akong makinig ng musikang rap, pinakinggan ko rin ang rap ng Pilipinas. Isa sa mga Pinoy rap na kanta na nakapitik ng tenga ko ang kantang Balita ni Gloc9. Tulad ni Apl.de.Ap, ginamit ni Gloc9 ang chorus ng kantang Balita ng Asin. Parehong mga salita, parehong himig, pero parang machine gun ang pasok ng berso. Sunod-sunod ang bawat linya ng kanta, ayaw magpaawat sa paglarawan ng kasalukuyang mukha ng lipunang Pilipino. Nang una kong marinig ang kanta, akala ko mauubusan ako ng hininga. Magaling si Gloc9 mag-rap. Hindi ako mahilig sa hip hop at sigurado ako na punkista ako hanggang buto, pero tuwing naririnig ko ang kanta niyang Balita, hindi ko maiwasang maniwala na totoo ang hapdi ng bawat salitang binibitawan ni Gloc9. Ngayon, ang lupang ipinangako ay nagsusumamo Patakan n’yo ng luha ang apoy sa kanyang puso –Balita, Asin (1970) Binalikan ko ang mga lumang cassette tape na binigay sa akin ni Tito Ely. Inaamag na ang magnetic tape sa loob, ayaw nang tumugtog kapag sinasaksak ko sa lumang cassette player. Hindi na ito maaayos. Sa Youtube o Limewire ko na lang maido-download ang mga kanta ng Asin at Juan dela Cruz. Mapakikinggan ko na lang ang musika nila sa mp3 player. Tatlong dekada man ang lumipas, hindi nakapagtataka na buhay na buhay pa rin ang musika at lyrics ng Asin. Naunawaan ko ito kahit noong bata pa ako. Sa pinakapayak na lebel, maganda ang himig at madaling tandaan ang tugma ng kantang Balita. Pero ngayong matanda na ako, naiintindihan ko na rin ang konteksto ng kantang ipinakilala sa akin ni Tito Ely. Sa panahon ng mga hippie, sa kasagsagan ng Batas Militar, naging makpangyarihang symbolo ng kapayapaan ang gitara. Hindi nito kailangan ng kuryente at madali itong bitbitin kahit saan. Kailangan lang memoryado ng musikero ang mga salita at kwerdas ng kanta, maaari na niyang ipamahagi ang kanyang mensahe. Hindi kailangan sumigaw kapag kumakanta at tumutugtog ng folk music. Mas mainam pa nga magkumpulan ang mga tao— mas malapit, mas maganda— para marinig ang kanta. Habang sama-samang nakikinig ng musika, itinataas din ang peace sign. Nasa kalikasan ng folk music ang lirikong mga berso. Puno ng metapora at makabuluhang imahe ang mga salita ng kantang Balita. Ito marahil ang pumukaw sa emosyon at imahinasyon ng kabataang Pilipino noon. Bahagya ko ring naiintindihan ang kanta ni APL at Black Eyed Peas nang hiramin nila ang chorus ng Asin. Bagaman hindi ko gusto ang mga berso sa wikang Ingles, naintindihan ko na hindi para sa akin ang kantang ito. Para ito sa mga Fil-Am na tulad ni Allan Pineda, lumikas sa bayan para magbagong-buhay sa ibang bansa. Hip hop ang porma ng kanta dahil ito ang dikta ng uso, ang musikang kumakausap sa kabataang Amerikano. Batid naman sa kanta ang matinding pangungulila ni Allan para sa ‘lupang pinangako’ pero ni minsan hindi niya nabanggit sa kanta na nais niyang bumalik. Hindi ako sumasangayon, pero naiintindihan ko ito, kahit paano. Lalo kong naiintindihan ang kantang Balita ni Gloc9, dahil nakatuon sa henerasyon ko ang kantang ito. Rap— musikang pinanganak sa ghetto, musika ng mga api at nalulunod sa lunsod— kung saan sunod-sunod at marahas ang banat. Rap na rin kasi ang popular na porma ng musika/ balagtasan sa iba’t ibang sulok ng Maynila. Nagkalat ang mga rap crew sa Tondo, sa Quezon City, sa Quiapo, sa Pasig, o kung saan man maraming angas at reklamo sa buhay at lipunan ang kabataan. Kung tutuusin, mas mura pa ito kaysa gitara. Bibig, isip, at ritmo lang ang kailangan para mag-rap. Hindi tulad ng folk music ng Asin na mabigat sa metapora at mabulaklak ang wika, palaban ang mga salita ni Gloc9. Detalyado ang paglalarawan sa bersyon niya ng Balita, sinasampal ng imahe ang nakikinig. Hindi kapayapaan ang hanap ng kantang ito, kundi katarungan. Maliban sa pagkakaiba ng tatlong bersyon ng kantang ito, kailangan pansinin ang mga pagkakapareho. Sa tatlong kanta, tanging chorus lamang ang hindi nagbabago. Binabagtas ng tatlong bersyon ng kanta ang tatlong dekada ng kabataang Pinoy, at sa panahong iyon, may ilang susing konsepto sa chorus na nananatiling makabuluhan. Pangunahin dito ang unang linya ng kanta—Lapit, mga kaibigan, at makinig kayo. Nasa linyang ito ang konsepto ng pagtawag, ang pagpukaw ng atensyon ng ibang tao. Tinatawag ng musikero/ persona ang pansin ng kolektibo. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagtitipon ng mga kaibigan o kababayan. Ikalawa ang konsepto ng balita— Ako’y may dala-dalang balita galing sa bayan ko. Dito, iba ang gamit sa salitang ‘balita.’ Hindi ito ang balita na inuulat sa mga radyo at telebisyon. Sa halip, ang balitang ito ay mga kwento ng buhay mula sa bayang pinanggalingan ng persona. Sa madaling salita, hindi ito bulung-bulungan o hearsay. Ito ang personal na kwentong nararanasan ng mga taong direktang naapektuhan ng mga kaganapan sa bayan nila. Dinamiko ang linyang ito sa tatlong magkakaibang bersyon ng kantang Balita. Sa 1970s na bersyon ng bandang Asin, kilala ang rehimeng Marcos sa pagbabaluktot ng katotohanan ng mga balita. Kung gayon, ang persona sa kanta ang nagiging bukal ng katotohanan para sa mga nakikinig. Sa 2004 na bersyon ng Black Eyed Peas, bihira iulat ang karanasan at kalagayan ng mga migranteng Pilipino. Sapilitan nilang nilisan ang Pilipinas dahil sa kahirapan, at kasalukuyan silang itinuturing minority sa Amerika. Sa kantang ito, ang persona ang nagiging kinatawan ng sektor ng migranteng Pilipino. Sa 2009 na bersyon naman ni Gloc9, talamak ang kahirapan sa bansa at lumang balita na ang digmaan sa Mindanao, pero dahil tila pangkaraniwan na lang ang mga ito, lalo itong kailangan ipabalita sa mabisang paraan. Sa bersyon na ito, nagiging gabay ang persona ng kanta, ipinapaalala sa nagmamaang-maangang nakikinig ang balitang dapat dati pa nilang alam. Pero ang pinakamatindi, ang hindi maaaring patawarin, ay ang patuloy na pagkakapareho ng mensahe ng tatlong magkakaibang kanta. Tatlong mahabang dekada ang nakaraan at hindi pa rin nagbabago ang kalagayan sa Pilipinas. Lagi’t laging kailangan tipunin ang mga kababayan para ibahagi ang balita ng kahirapan at kawalan ng pag-asa mula sa lupang pinangako. Nakakatindig-balahibo ang tatlong kanta hindi lamang dahil maganda ang himig at madaling matandaan ang tugma, kundi dahil nananatiling makabuluhan ang mensahe nito. Tatlong dekada na at walang pa ring nagbabago. Hindi ang salita, hindi ang tono. Marahil bumibilis at dumarahas ang mga berso, pero iisa pa rin ang kumpas ng musika. Duol mga kaigsuunan, ug paminaw kamo Duna koy mga balita gikan sa banwa ko –Balita, Asin (1970) –Balita, Gloc9 (2009) Utang ko kay Tito Ely ang isang daang pasasalamat dahil naibahagi niya sa akin ang hilig niya sa musika noong musmos pa lang ako. Hindi lang pagmamahal sa tunog ang naituro niya sa akin, kundi pag-ibig sa salita at kwento. Hindi ko man natutunan kung paano tumugtog ng gitara tulad niya, sigurado akong si Tito Ely ang isa sa mga salarin kung bakit ako nagsusulat ngayon. Ang huli kong balita kay Tito Ely, bumalik na siya sa probinsya niya sa Isabela. Ilang buwan na rin siyang naka-confine sa hospital doon dahil sa sakit sa atay. Naghiganti na ang dami ng alak na ininom niya noong kabataan niya. Naapektohan na rin ang mga bato niya kaya kailangan siyang i-dialysis. “Alam mo kung bakit dialysis ang ginagawa sa’kin?” tanong ni Tito Ely sa akin nang minsang tinawagan ko siya para mangamusta. Mahina na at paos ang boses niya, pero rinig ko pa rin ang kanyang mapagbirong tawa. “Kasi dinadaya na lang ang buhay ko.” Hindi ko tinanong kung nagigitara pa siya, o kung narinig na niya ang bagong mga bersyon ng mga kantang kinahiligan niya at ibinahagi sa akin. Maikli lang ang napag-usapan namin sa tawag ko na iyon. Nangamusta lang ako. Sinabi ko sa kanya na magpagaling siya. Sinabi niya sa akin na mag-ingat daw ako. Hindi namin pinag-usapan ang musika kahit ito lang ang nag-iisang nagbuklod sa aming mag-tito. Matapos ang ilang pabalik-balik na “Kamusta na ang Tatay mo?” “Okay naman po. Kamusta po kayo?” naubusan din kami ng mga salita. Matagal kong pinag-isipan kung paano tatapusin ang sanaysay na ito. Kung saan-saan na napadpad ang usapan. Naalala ko kasi noong una kong narinig ang bersyon ni Tito Ely ng kantang Balita ng Asin. Bata pa ako noon. Malinis ang bawat nota na kinalabit niya sa kanyang gitara. Swabe pa ang boses niya noon. Magaling si Tito Ely tumugtog ng gitara. Kopyang-kopya niya ang tunog mula sa cassette tape ng banda. Pinag-iisipan ko rin ang tatlong bersyon ng kantang Balita. Isinilang mula sa iba’t ibang panahon at konteksto, pero iisa ang mensaheng ipinahihiwatig. Hindi naman ako marunong tumugtog ng gitara. Hindi na ako natuto. Pero nagsusulat ako. Sinimulan ko ang sanaysay na ito sa pag-iisip na kaya kong gumawa ng nakasulat na bersyon ng kantang Balita. Ipapasok ko rin ang orihinal na chorus, pero akin ang mga berso, ang bawat talata sa sanaysay na ito. Dahil natalakay na ng mga kanta ang hapis sa lupang ipinangako, ikukwento ko na lang ang balitang napagdaanan ko. Heto ang kwento ng isang kanta, isang mag-tito na ipinagbubuklod ng hilig sa musika, at isang bayang hindi nagbabago, naghihirap pa rin matapos ang ilang dekada. Mauuna pa yatang malaos ang digital audio MP3 format. Mauuna pa yata si Tito Ely maubusan ng hininga, pero patuloy na umiiyak ang gitara at kanta. Lapit, mga kaibigan. Ako’y may dala-dalang balita.

Report this ad

Report this ad

Like Be the first to like this.

Related

Notes from the Underground

Light Green

Hot off the press!

4 responses to “Turning up Aces” migs November 23, 2009 at 6:16 pm hey congrats!

kaya ka pala manlilibre ah. hahaha

Reply

Abbey November 25, 2009 at 1:34 am Libre! Libre! Reply

tarantadoworld September 15, 2010 at 1:03 pm Pohtek ang lalim ! Reply

Pingback: So how’d you spend your holidays? « WORLD WAR THREE

Smile Life

When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile

Get in touch

© Copyright 2015 - 2024 PDFFOX.COM - All rights reserved.